Malate, Manila — Aktibong nakibahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA sa ika-2 kwarter na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, Hunyo 19, 2025, ganap na alas-9:00 ng umaga.

Isinagawa ang earthquake drill bilang bahagi ng pambansang inisyatiba sa pangunguna ng Office of Civil Defense (OCD) upang paigtingin ang kahandaan ng publiko sa harap ng posibleng lindol.

Layunin ng NSED na palaganapin ang kaalaman sa mga hakbang pangkaligtasan gaya ng “Duck, Cover, and Hold” bilang paunang tugon sa lindol.

Ang NSED ay mahalagang bahagi ng estratehiya ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa gitna ng mga banta ng kalikasan.