Nagsagawa ng site visit at Focused Group Discussion ang mga kawani ng DSWD-MIMAROPA sa isa sa mga proyekto ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency Through Nutritious Harvest for the Impoverished) katuwang ang mga opisyal ng barangay at Risk Resiliency Program Technical Working Group (RRP TWG) sa Brgy. Lumangbayan, Santa Cruz, Occidental Mindoro, Hunyo 18, 2025.
Sa nasabing aktibidad, nakapanayam ang mga partner-beneficiaries tungkol sa kanilang karanasan bago, habang, at pagkatapos ng pagpapatupad ng proyekto.
Ibinahagi rin ng mga kalahok ang kanilang mga plano para sa hinaharap. Buo ang kanilang suporta at kagustuhan na magtatag ng isang samahan upang mapalakas pa ang kanilang mga inisyatiba. Nangako sila na pipili ng pangalan na sumasalamin sa kanilang pagkakaisa at layunin.
Bilang tugon, nakatakda ang RRP team na magsagawa ng workshop para sa legalisasyon at accreditation ng kanilang magiging samahan, kalakip ang paggawa ng action plan para sa mga susunod nilang proyekto.