Ginanap ngayong araw ang Drone Basic Training na pinangunahan ng Regional Information and Communications Technology and Management Section (RICTMS) kasama ang Disaster Response Management Dvision o DRMD para ituro sa Regional Emergency Telecommunications Team (RETT) at maipakita ang mga pangunahing bagay na dapat malaman sa pagpapalipad ng drone.
Si Mr. Angelito Montalbo, RICTMS Head ang pangunahing at si Mr. Reymark Masilungan tagapagsalita at tinalakay nila ang mga sumusunod: Drone Background; Safety Regulations; Drone Flight Controls and Operations; at Actual Drone Flight na ikinatuwa ng mga dumalo sapagkat ito ang kauna-unahang drone na binili o pagmamay-ari ng DSWD MIMAROPA.
“Mahalaga ang drone upang makita ang lawak natin kung gaano kalawak ang disaster”
Nagbigay rin si Dir.Fernando R. De Villa, Jr. CESO III, DSWD MIMAROPA Regional Director na kanyang pagbati at nag-iwan ng konting mensahe para sa ginanap na pagsasanay na sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay maipakita ng mga dumalo ang kagalingan at kapasidad nila sa pagpapalipad ng drone gayundin, ang kahalagahan ng drone para sa ahensya lalo na sa mga disaster operations upang makita ang kabuuang epekto ng kalamidad sa bawat probinsya sa rehiyon ng MIMAROPA.