Naganap ang 2-day Disaster Response Management Division (DRMD) Year-End Evaluation and Planning Activity noong ika-9 ng Disyembre 2021.
Makasaysayan ang aktibidad para sa Division dahil matapos ang halos dalawang taon buhat nang magkaroon ng pandemya, ito ang unang pagkakataon na muling nagkaroon ng face-to-face activity ang DRMD kasama ang mga staff nito mula sa Regional Office at mga probinsya ng MIMAROPA. Layunin ng aktibidad na suriin ang mga naging tagumpay ng DRMD sa nagdaang buwan, matukoy ang mga naging hindering at facilitating factors, good practices, at points for improvement upang mas mapabuti pa ang operasyon nito para sa kapakanan ng mga pinaglilingkuran nitong mga kababayan lalo sa panahon ng kalamidad at iba pang sakuna.
Mismong si DSWD MIMAROPA Regional Director Fernando R. De Villa Jr. ang nanguna sa aktibidad. Present din sina DRMD Chief Geneliza Gabilan at mga Resource Speakers mula sa NRLMB. Kabilang din sa mga dumalo ay ang mga staff at officers ng DRMD, mga provincial staff, at SWAD Team Leaders.