Nagsagawa ng Emergency Meeting ang Response Cluster ng Regional Disaster Risk-Reduction and Management Council MIMAROPA noong hapon ng Disyembre 19, 2021 kung saan nanguna ang DSWD MIMAROPA Region na siyang Vice Chair nito.

(mula sa kaliwa) Romar D. Delfin, PDO II; Azeneth T. Trasmonte, PDO III; Lourdes Rachielle Manahan, REA; Fernando R. De Villa, Jr., CESO III, Regional Director ; at Geneliza Q. Gabila, OIC-Division Chief

Ang pagpupulong ay ginanap virtually na dinaluhan ng mga member-agencies kabilang ang OCD MIMAROPA, DOH MIMAROPA, DICT MIMAROPA, PRO MIMAROPA, PIA MIMAROPA, at PCG Southern Tagalog. Mismong si DSWD MIMAROPA Regional Director Fernando R. De Villa ang nangasiwa sa pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Disaster Response Management Division sa pangunguna ni DRMD Chief Geneliza Gabilan. Kinumusta ni RD De Villa ang lagay ng mga probinsya sa MIMAROPA Region matapos daanan ni #BagyongOdettePH.

Lubos na nasalanta ang probinsya ng Palawan na hanggang ngayon ay wala pa ring signal sa malaking bahagi nito. Siniguro ni RD De Villa ang tulong mula sa mga member-agencies lalung-lalo na sa agarang pagpapadala ng mga dagdag na Family Food Packs o FFPs at iba pang non-food items tulad ng Hygiene Kits mula sa DOH. Magpapadala rin ang DICT ng VSAT na gagamitin upang magkaroon ng panandaliang komunikasyon habang hindi pa bumabalik ang signal ng mga telecommunications companies sa probinsya. Ayon sa pinakahuling tala, aabot na sa 138 na mga barangay sa rehiyon ng MIMAROPA ang apektado ng bagyo. 3,999 na mga pamilya ang naapektuhan na may katumbas na 15,465 na mga indibidwal.