Araw ng kapaskuhan pero tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga munisipalidad sa Palawan na nasalanta ng #BayongOdettePH.
400 Family Food Packs o FFPs ang ipinamahagi sa Barangay New Barbacan sa Roxas, Palawan. Laking pasasalamat sa mga staff ng DSWD, MSWDO, LGU, AFP, PNP, at Philippine Coast Guard na nag #Bayanihan upang makarating ang tulong ng pamahalaan sa mga apektadong munisipalidad sa Palawan kahit araw ng pasko ay hindi sila nagdalawang-isip na maghatid ng serbisyo para sa ating mga kababayang nangangailangan. Saludo kami sa inyo!