Sakay ng BRP Bojeador ng Philippine Coast Guard, dumating sa Puerto Princesa City, Palawan ang karagdagang 5,000 Family Food Packs na ipamamahagi sa mga munisipalidad sa Palawan na lubhang sinalanta ng #BagyongOdettePH kabilang ang Araceli, Dumaran, Roxas, San Vicente, at Taytay.

Ang mga FFPs na ito ay bahagi ng karagdagang 30,000 FFPs na nirequest ng DSWD MIMAROPA Region sa National Resource and Logistics Management Bureau o NRLMB para sa Palawan.

Laking pasasalamat muli sa Philippine Coast Guard, NRLMB, Office of Civil Defense, at sa mga DSWD MIMAROPA Staff. Dahil sa ating #Bayanihan, may darating na tulong ng gobyerno sa ating mga kababayan.