Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Family Food Packs o FFPs sa mga nasalantang mga munisipalidad sa Palawan dahil sa #BagyongOdettePH.

Bisperas ng pasko nang maipamahagi ang 500 FFPs sa mga apektadong pamilya sa Barangay Bantulan, Taytay, Palawan. Naging posible ang pagdadala ng tulong ng gobyerno sa Taytay, Palawan dahil sa #Bayanihan ng Bureau of Fire Protection o BFP, Philippine Marine Corps, MSWDO Staff, at DSWD MIMAROPA Staff.

Isang pagsaludo at pasasalamat sa mga tumulong na makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayan.