Noong nakaraang Disyembre 22, nagkaroon ng pagkakataong makasama ang DSWD MIMAROPA Region sa ginawang aerial survey ng Tactical Operations Wing West, Philippine Air Force at ng Office of Civil Defense.

Nakasama sa team na sumakay sa Navy 312 ang Information Officer ng Disaster Response Management Division na si Mary Erieka Olitres kung saan lumipad sila sa himpapawid ng Puerto Princesa, Araceli, Roxas, El Nido, Dumaran, at Taytay. Kapansin-pansin sa mga litrato ang mga nalagas na puno at mga kabahayang nasira lalo ang mga malapit sa karagatan.