Noong ika-27 ng Disyembre ay ipinamahagi ng DSWD MIMAROPA Region ang 2,000 Family Food Packs o FFPs sa mga pamilyang naapektuhan ng #BagyongOdettePH sa Taytay, Palawan.
1,168 FFPs ang ipinamigay sa Barangay Bato, 570 FFPs sa Barangay Paglaum, at 262 sa Barangay Talog. Tatlong trucks ang kumuha sa mga FFPs noong gabi ng Disyembre 26 sa Port of Puerto Princesa (PPC) at bumyahe patungong Taytay, Palawan.
Ang mga FFPs na ito ay bahagi ng mga FFPs na dumating sa PPC sakay ng BRP Bojeador ng Philippine Coast Guard at ito rin ay bahagi ng 30,000 na FFPs na nirequest ng Disaster Response Management Division MIMAROPA mula sa National Resource and Logistics Management Bureau o NRLMB.