Noong araw ng Pasko, December 25, 2021, sakay ng isang sea vessel, nagtungo ang staff ng DSWD MIMAROPA Region sa tulong ng Philippine Coast Guard sa munisipalidad ng Kalayaan, Palawan. Doon ay nakapagbahagi ang DSWD ng 122 Family Food Packs o FFPs (tig-dalawa kada pamilya) sa 61 pamilyang apektado ng pananalasa ni #BagyongOdettePH.

Base rin sa ginawang assessment, nakatanggap din ang mga pamilyang ito ng 3,000 pesos na financial assistance sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS. Samantala, namahagi rin ang DSWD ng 103 FFPs sa mga na-istranded na mga construction workers sa Kalayaan, Palawan.