Nagbigay ng karagdagang 1,000 Family Food Packs, 280 Modular Tents, 1,000 Sleeping Kits, at 1,000 Family Kits ang DSWD Field Office CALABARZON para sa mga taga-Palawan. Naging posible naman ang pagbabyahe sa mga nabanggit na food and non-food items (F/NFI) dahil sa tulong ng 2nd Infantry Jungle Fighter Division ng Philippine Army sa Tanay, Rizal sa pangunguna ni Major General Rowen S. Tolentino.
Ang mga F/NFIs ay ibinyahe mula sa warehouse ng DSWD Field Office CALABARZON sa Batangas City papunta sa tanggapan ng Meridian Shipping and Container Carrier Inc. sa Manila North Harbor Port sa Tondo, Maynila. Samantala, nagpadala rin ang DSWD MIMAROPA Region ng 60 laminated sacks upang magamit na pansamantalang silungan para sa mga nasalanta ng bagyo.
Kasalukuyan na ngayong ibinabyahe ang mga nabanggit na tulong papunta sa Port of Puerto Princesa sa Palawan at inaasahan nang matatanggap ng ating mga kababayan sa mga susunod na araw.