Noong ika-30 ng Disyembre 2021 namahagi ng tulong-pinansyal ang DSWD MIMAROPA Region sa mga residenteng naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette sa munisipalidad ng Taytay, Palawan. Ito ay sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, 711 na mga indibidwal ang tumanggap ng tig-limang libong piso (Php 5,000.00) sa anim na barangay sa Taytay.
Narito ang breakdown ng naging pamamahagi ng tulong-pinansyal: New Guinlo- 75; Old Guinlo-153; Bantulan- 128; Abongan- 142; Bato-131; Libertad-82. Sa kabuuan, nakapagbahagi tayo ng tulong pinansyal sa 711 na indibidwal na may katumbas na halagang aabot sa Php 3,555,000.00 sa munisipalidad ng Taytay. Ito ay bilang bahagi pa rin ng isinasagawa nating relief operations para sa mga nasalanta ng bagyo.
Bukod sa tulong-pinansyal ay tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng mga Family Food Packs, Hygiene at Sleeping Kits, Modular Tents, Malong, at Laminated Sacks o trapal sa mga apektadong munisipalidad sa Palawan.