Truck na paglalagyan ng mga FFPs mula sa sakay ng Philippines Airlines

Tuloy-tuloy ang pagdating ng tulong para sa mga Palaweños na naapektuhan ng #BagyongOdettePH. Disyembre 31, 2021 nang dumating ang karagdagang 500 Family Food Packs o FFPs sa Palawan sakay ng Philippine Airlines dahil nag-alok ito na libreng ililipad ang mga FFPs sa probinsya.

Karagdagang FFPs para sa munisipalidad ng Roxas, Palawan

Samantala, mayroon ding karagdagang tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa munisipalidad ng Roxas, sa Palawan. Karagdagang 4,000 na Family Food Packs o FFPs ang naihatid kasama ang iba pang non-food items kabilang ang 1,899 Hygiene Kits, 1,040 Family Kits, at 1,040 Sleeping Kits.