Naghatid ang DSWD MIMAROPA Region ng karagdagang tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng #BagyongOdettePH sa munisipalidad ng Roxas, sa Palawan.

Karagdagang 4,000 na Family Food Packs o FFPs ang inihatid ngayong araw kasama ang iba pang non-food items kabilang ang 1,899 Hygiene Kits, 1,040 Family Kits, at 1,040 Sleeping Kits.