Naganap noong Enero 6 ang payout at validation para sa tulong pinansyal na ipamamahagi ng DSWD MIMAROPA Region sa mga nasalanta na #BagyongOdettePH sa Brgy. 1 (Poblacion) at Brgy. III (Poblacion), Roxas, Palawan.

Ito ay sa ilalim pa rin ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS. Sa kabuuan, nakapagbahagi tayo ng tulong pinansyal sa 15,106 na indibidwal na may katumbas na halagang aabot sa Php 75,428,000.00 sa probinsya ng Palawan bilang bahagi pa rin ng isinasagawa nating relief operations para sa mga nasalanta ng bagyo.