Ika-4 ng Enero 2022 nang dumating sa Puerto Princesa City Port ang 3,086 Family Food Packs o FFPs, 60 rolls laminated sacks, at 400 Family Kits na kinarga sa Meridian Shipping Container Carrier Inc.

Ang mga FFPs ay nakalaan para sa munisipyo ng Araceli, Dumaran, San Vicente at Taytay. Samantalang ang mga Family Kits naman ay para sa munisipyo ng Roxas. Ito ay agad na naipadala sa tulong at koordinasyon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, Provincial EOC at Provincial IMT katuwang ang PCG, Navy, TOWWEST, at PALPPO.