Walang tigil na pagtulong, araw at gabi ay tuloy-tuloy ang operasyon ng DSWD MIMAROPA para sa mga nasalanta ni bagyong Odette at noong Enero 8 nga ay ang ikatlong araw ng pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga apektadong pamilya sa New Barbacan, Roxas, Palawan.

Ito ay sa ilalim pa rin ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS. Sa kabuuan, nakapagbahagi na tayo ng tulong pinansyal sa 22,862 na indibidwal na may katumbas na halagang aabot sa Php 114,188,000.00 sa probinsya ng Palawan bilang bahagi pa rin ng isinasagawa nating relief operations para sa mga nasalanta ng bagyo.