Nagmula ang 12 sets ng Family Tents, 365 Hygiene Kits, at 70 rolls ng Laminated Sacks, sa DSWD FO CALABARZON para sa DSWD MIMAROPA at ibinyahe papunta sa Meridian Shipping and Container Carrier Inc. sa North Harbor Port, Tondo, Manila noong Enero 7,2022.

Naging posible naman ang operasyon dahil sa tulong ng Police Station 1 Tondo Manila sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Cenon R. Vargas Jr. Ikinakarga ang mga tents sa Meridian container na pinagtulungan ng Regional Resource Operations Section staff ng DSWD MIMAROPA at ang tropa ng kapulisan ng PS-1.