Nagsagawa ang DSWD MIMAROPA ng distribusyon ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa Green Island kung saan 482 indibidwal ang nakatanggap at sa Johnson Island kung saan 156 indibidwal naman ang nakatanggap.

Nagpamahagi rin ng AICS sa 890 indibidwal sa Brgy. Dumarao. Sa kabuuan, nakapagbahagi na tayo ng tulong pinansyal sa 34,306 na indibidwal na may katumbas na halagang aabot sa Php 171,418,000.00 sa probinsya ng Palawan bilang bahagi pa rin ng isinasagawa nating relief operations para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.