Nagpamahagi ng Family Food Packs o FFPs ang DSWD MIMAROPA Region sa dalawang barangay sa Roxas, Palawan kahapon. 393 na pamilya ang nakatanggap ng mga FFPs sa Brgy. Jolo at 488 na pamilya ang nabigyan naman sa Brgy. San Miguel.

Ang distribusyon ay bahagi ng response operation na isinasagawa ng ahensya para sa mga apektado at nasalanta ni Bagyong Odette.May kabuuang 33,629 FFPs at 8,627 na mga Non-Food Items na ang napamahagi sa probinsya ng Palawan na may katumbas na halagang Php 37,028,676.00.