Sakay ng limang (5) container vans ng 2GO ang 8,000 Family Food Packs o FFPs para sa probinsya ng Palawan at 4 na CVs ang nabuksan noong Enero 22 na may laman na 6,232 samantalang ang isang (1) natitirang CV ay binuksan naman noong Enero 24 na may laman namang 1,768.
Ang mga FFPs ay ipapamahagi sa munisipyo ng Roxas at Araceli. 6,032 ang mapupunta sa Roxas at 200 naman sa Araceli na isasakay sa Black Hawk ng Philippine Air Force. 14 na trucks ang nakargahan ng mga FFPs na maghahatid sa ating mga kababayan na pinagtulong-tulungan ng Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, Philippine Marines, Philippine Army, Philippine Navy, Criminology Students ng Palawan State University, at mga Volunteers ng Beta Sigma Fraternity.
Sa pakikipag-ugnayan at tulong ng PDDRMO at Provincial Government of Palawan sa mga tanggapan na ito, naging posible ang relief operations na isinasagawa ng DSWD MIMAROPA. Kaya naman lubos ang pasasalamat natin sa lahat ng ahensyang ito sa kanilang suporta sa DSWD MIMAROPA upang maipahatid ang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.