Ang Marso ay Fire Prevention Month

Tuwing buwan ng Marso karaniwang ginugunita ang Fire Prevention Month kung saan sa buwang ito ay maraming insidente ng sunog ang naitatala.

Ngayong taon, sa temang “Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa” layuning patuloy nating lalabanan at pipigilan ang mga sunog na sumisira sa buhay at ekonomiya sa ating patuloy na pagtutulungan.

Patuloy ang panawagan sa lahat na mag-ingat, tandaan at isagawa ang mahahalagang paalala tungkol sa pag-iwas sa sunog gayundin ang mga dapat gawin sakaling mangyari ito.