Naki-#BidaAngHanda ang DSWD MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director Fernando R. De Villa Jr., CESO III sa ginanap na 1st Quarter Nationwide Simultaneous Drill (NSED) kaninang umaga, ika-10 ng Marso 2022.
Si RD De Villa mismo ang nagpatunog ng megaphone siren alarm bilang hudyat ng pagyanig ng lupa o pagsisimula ng pagsagawa ng Dock, Cover, and Hold ng mga empleyado.
Buong Regional Office sa Malate, Manila kasama ang taga probinsya sa MIMAROPA ay nakiisa sa programa sa tulong ng mga Floor at Room Warden. Nakisabay ang iba’t ibang programa at opisina ng field office kabilang ang CIU, KALAHI CIDSS, COA, 4Ps Operations, PSD, HRMDD, at DRMD.
Nakiisa rin ang probinsya ng Occidental Mindoro, Marinduque at Romblon sa aktibidad at nakisabay sa pagsasagawa ng Duck, Cover, Hold.
Patuloy ang panawagan sa lahat na laging makiisa sa mga gawaing naglalayong paigtingin ang kaligtasan ng lahat mula sa banta ng panganib at sakuna.
#NSED2022 #BidaAngHanda #DSWDMIMAROPA #DSWDMayMalasakit