Isinagawa noong Setyembre 1, 2022 ang pamamahagi ng Family Food Packs para sa 131 benepisyaryo ng Food-for-Work Program ng Lokal na Pamahalaan ng Lubang, Occidental Mindoro katuwang ang DSWD Field Office MIMAROPA.

Natanggap ng mga benepisyaryo ng nasabing munisipyo ang tig-isang kahon ng Family Food Packs kapalit ng dalawang araw na pagtrabaho sa mga sumusunod na aktibidad; paglilinis sa baybaying dagat, canal de-clogging, at paglilinis sa mga daanan ng munisipyo ng Lubang. Ang FFW Program ay bahagi ng paghahanda ng munisipyo para sa inaasahang bagyo.

Naipamahagi rin sa LGU ng Lubang sa pangunguna ni Hon. Michael L. Orayani at Lubang MSWDO Ms. Jennel M. Tampon ang sampung pirasong modular tents. #