Ang DSWD Field Office MIMAROPA ay nakiisa sa pagsasagawa ng 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Setyembre 8, 2022.

Pinangunahan ng Disaster Response Management Division (DRMD) kasama sina Regional Director Leonardo C. Reynoso, CESO III at Assistant Regional Director for Administration Benchie B. Gonzales sa pagsasagawa ng NSED. Aktibo ring nakibahagi sa aktibidad ang mga kawani ng DSWD FO MIMAROPA, gayundin sa mga Social Welfare and Development Offices at sabay-sabay na nagsagawa ng Duck, Cover and Hold.

Ang ceremonial pressing of the button ay pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Office of Civil Defense (OCD). Layunin nitong magbigay impormasyon at palawakin ang kahandaan ng sambayanan sa darating na lindol.