Isinagawa kahapon noong ika-12 ng Oktubre 2022 ang paghahatid ng 1,700 FFPs na nakalaan para sa Food for Work (FFW) program ng lokal na pamahalaan ng Magdiwang, Romblon katuwang ang DSWD Field Office MIMAROPA, sa pangunguna ng Disaster Response Management Division at SWADT Romblon.

Naihatid din ang 26 pirasong Modular Tents sa mga sumusunod na munisipyo:

Magdiwang, Romblon – 8 modular tents

San Fernando, Romblon – 9 modular tents

Cajidiocan, Romblon – 9 modular tents

Nagpapasalamat naman ang ahensya sa matagumpay at maayos na delivery sa tulong ng OCD MIMAROPA at PCG Romblon para sa trasportasyon at seguridad ng mga kasama sa nasabing operasyon.