Maagap na naipamahagi ng DSWD FO MIMAROPA ang mga Family Food Packs (FFPs) at Non-Food Items (NFIs) sa mga naapektuhan ni Bagyong #PaengPH simula nang nanalasa ito sa bansa.
Ang ahensya ay nakapagbigay sa mga apektadong pamilya ng mga FFPs at NFIs sa mga sumusunod na probinsya ng rehiyon:
- Occidental Mindoro- 3,712FFPs/8NFIs
- Marinduque: 15,793FFPs/1,497NFIs/10laminated sacks/2tarpaulin
- Romblon: 2,934FFPs
- Oriental: 1,550FFPs/24NFIs
- Palawan:205FFPs
Sa kasalukuyan, 25,735 pamilya ang nabigyan ng nasabing mga items na may katumbas na halagang Php 19,322,256.80. Patuloy pa rin ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng kagawaran para sa mga posibleng pangangailangan pa ng mga naapektuhan ng bagyo.
Narito ang pinakahuling Situational Infographic Report ng FO MIMAROPA noong 24 Nobyembre 2022.