Nagbahagi ng mga Hygiene Kits ang Disaster Response Management Division sa tulong ng SWADT Oriental Mindoro sa Calapan City Jail District (CCJD) kahapon, Disyembre 12, 2022.

Sa pakikipag-ugnayan ng CCJD sa ahensya, 160 na mga PDL ang nakatanggap ng mga hygiene kits bilang bahagi ng kanilang aktibidad sa paglaban sa banta ng COVID-19.

Nagpasalamat naman ang CCJD sa DSWD Field Office MIMAROPA para sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga aktibidad.