Nagbahagi ng mga Hygiene Kits ang Disaster Response Management Divison sa tulong ni Sir Melzandro Mariano, PDO I ng DRMD sa SWADT Romblon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Odiongan District, Romblon noong Disyembre 28, 2022.

Sa pakikipag-ugnayan ng BJMP Odiongan District sa ahensya, 130 na mga PDL ang nakatanggap ng mga hygiene kits bilang bahagi ng kanilang aktibidad sa paglaban sa banta ng COVID-19. Nagpapasalamat sila sa DSWD DSWD Field Office MIMAROPA para sa pagsuporta sa kanilang aktibidad.