Isa sa mga nakatanggap ng ECT kasama ang mga kawani ng DRMD Regional Office at SWADT Leader Gng. Helen Alcoba
Isinagawa ang Emergency Cash Transfer (ECT) Payout sa probinsya ng Marinduque nitong Disyembre 28-29, 2022 upang agarang matulungan ang mga apektadong pamilya na nasiraan ng tahanan dahil sa bagyong Paeng.
Ito ang kauna-unahang ECT payout na isinagawa ng Disaster Response Management Division ng DSWD Field Office MIMAROPA, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Marinduque. Nasa 2,476 na mga benepisyaryo na may totally at partially-damaged houses ang nabigyan ng tulong pinansyal na may katumbas na halagang Php 10,393,950.00.
Narito ang breakdown ng bilang ng mga benepisyaryo sa bawat munisipyo ng Marinduque na nakatanggap ng ECT:
BOAC – 957 benepisyaryo
BUENAVISTA – 344 benepisyaryo
GASAN – 413 benepisyaryo
MOGPOG – 305 benepisyaryo
STA. CRUZ – 151 benepisyaryo
TORRIJOS – 306 benepisyaryo
Ang Emergency Cash Transfer o ECT ay isang adaptibong estratehiya ng DSWD sa pagtulay ng agwat sa pagitan ng agarang tulong sa kalamidad, humanitarian response, at maagang pagbangon sa mga sakuna at emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.