Base sa ika-30 ng Disyembre 2022, 4:00 PM na datos, nagbigay ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Field Office MIMAROPA ng kabuuang tulong na nagkakahalaga ng Php 1,162,700.00 o 1,661 family food packs (FFPs) sa mga naapektuhan ng pagbaha dulot ng Shear Line.
Nasa 3,442 na pamilya sa dalawang probinsya sa MIMAROPA partikular sa Oriental Mindoro at Palawan ang naapektuhan ng pagbaha. Sa kasalukuyan, 817 na pamilya pa ang nananatili pa rin sa evacuation centers sa Palawan.
May nakalaan naman ang ahensya na standby funds na nagkakahalaga ng Php 5,992,403.78 at mga naka-prepositioned na 51,606 FFPs at 26,553 non-food items (NFIs) sa mga regional at provincial warehouses gayundin sa LGU warehouses.