Puspusan at tulong-tulong na isinasagawa ngayon ang pagrerepack ng mga Family Food Packs sa DSWD-National Resource Operations Center, Pasay.

Nagpapasalamat ng DSWD MIMAROPA sa ipinaabot na tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) upang magvolunteer sa pagrepack ng mga relief goods na ipapamahagi sa mga nasalanta ng Low Pressure Area sa rehiyon na umabot na sa 26,476 na pamilya o 130,168 indibidwal ang naapektuhan sa probinsya ng Oriental Mindoro at Palawan.

Nagsagawa ng vacuum sealing sa 1,600 na bigas at nakabuo ng total 1,500 Family Food Packs ang mga volunteers.