Namahagi ang DSWD Field Office MIMAROPA, sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division (DRMD), ng mga food at non-food items para sa mga pamilya na naapektuhan ng sunog kamakailan sa Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City sa Palawan.
Umabot sa 83 pamilya (301 indibidwal) ang naapektuhan ng nasabing insidente noong Enero 31, 2023. Bukod sa family food pack, sila ay nabahaginan din ng mga malong, kulambo, at hygiene kits.
37 pamilya ang kasalukuyang nasa evacuation centers, samantalang 46 pamilya naman ang piniling manuluyan sa kanilang mga kamag-anak. Sila ay inindorso na ng DRMD sa Crisis Intervention Unit (CIU) para sa iba pang posibleng tulong o assistance mula sa kagawaran.