Ang Disaster Response Management Division (DRMD), sa tulong ng SWADT Palawan, ay namahagi ng Food at Non-Food Items sa mga apektadong pamilya sa nangyaring sunog noong ika-15 ng Pebrero sa Brgy. San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa ulat at assessment na isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Puerto Princesa, umabot sa 49 na pamilya ang naapektuhan ng sumiklab na sunog. Dahil dito, ang DSWD MIMAROPA ay nagpaabot ngayon araw ng family food packs, hygiene kits, malong, mosquito nets, collapsible water containers, at tarpaulin bilang tulong sa mga apektadong pamilya na may katumbas na halagang Php 115,806.04.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD MIMAROPA sa CSWDO para mga posible pang kakailanganing tulong ng mga apektadong pamilya.##