
Umabot na sa ₱24,370,200.00 ang alokasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng hakbang ng ahensya para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng libu-libong apektado ng El Niño sa iba’t-ibang bahagi ng MIMAROPA.
Batay sa pinakabagong assessment na isinagawa ng DSWD, tinatayang umabot na sa 219 barangay ang naitalang apektado ng krisis sa klima. Ito ay binubuo ng nasa 39,933 pamilya o 197,776 na indibidwal.
Ang DSWD, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektado ay nananatili ang inisyatibo gaya ng pamimigay ng Food Packs at Non-food items upang tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
Binibigyang-diin din ng ahensya at mga lokal na awtoridad ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta at kooperasyon upang maibsan ang nararanasang krisis at gampanan ang pangangalaga sa kapakanan ng mga apektado ng El Niño.