Matagumpay na natapos ng 112 partner beneficiaries na dumalo sa tatlong araw na Cash-for-Training ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished), na bahagi ng Risk Resiliency Program (RRP) noong Hunyo 10-12, 2024 sa Brgy. La Curva, San Jose, Occidental Mindoro.
Tinalakay sa training ni Marie Joy C. Domingo, Municipal Government Assistant Department Head I ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ang Module 1 na tungkol sa Disaster Risk Reduction Management at Climate Change at ang Family Disaster Preparedness bilang karagdagang kaalaman sa mga dumalo at inisyatibo ng LGU. Kasunod nito ay tinalakay naman ang mandato, programa, at serbisyo ng DSWD sa disaster response.
Pinangunahan nina Sheila D. Sarabia, Social Welfare and Development (SWAD) Team Leader sa Occidental Mindoro, at Alicia M. Cajayon, Municipal Social Welfare and Development Officer ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose ang programa.
Samantala, kasabay na isinagawa ang katulad na aktibidad na dinaluhan naman ng 100 partner beneficiaries mula sa Barangay Sto. NiƱo, Rizal, Occidental Mindoro.
Pinangunahan ni Eloisa Enelda, Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), ang programa at si Mary Jolence O. Soriano ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang nagsagawa ng pagtalakay sa Module 1 para sa pagsasanay.
Ang tatlong araw na Cash-for-Training ay unang bahagi ng 20 araw na Cash-for-Training and Work ng Project LAWA at BINHI na naglalayong tugunan ang matinding epekto ng pabago-bagong klima.