Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA, sinimulan ng 212 partner-beneficiaries ang implementasyon ng Cash-for-Work (CFW) program ng Proyektong LAWA at Binhi (Local Adaptation to Water Access at Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) sa mga bayan ng San Jose at Rizal, Occidental Mindoro nitong ika-13 ng Hunyo, 2024.

Ang naturang programa ay naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga partner-beneficiaries upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa dagdag na kita.

Sa Bayan ng San Jose, may 112 na partner-beneficiaries ang kasalukuyang nakikinabang sa programa habang sa Rizal ay may 100 partner-beneficiaries naman ang kalahok.

Ang CFW ay mahalaga sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga komunidad sa mga proyekto ng DSWD.

Kasama ng mga lokal na opisyal at katuwang na ahensya ng pamahalaan, umaasa na maging epektibo ang implementasyon ng programang ito upang makatulong sa mga komunidad na higit na naapektuhan ng kahirapan at mga hamon dulot ng pabago-bagong klima.

Photo credits:
Office of the Municipal Agriculture, Rizal
Office of the Municipal Agriculture, San Jose