
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency Through Nutritious Harvest for the Impoverished), na kung saan sinuri ang mga proyekto batay sa lawak ng taniman, mga paraan at estilo ng pagtatanim, at ang pagiging malikhain ng bawat grupo.
Ito rin ay bahagi ng isang patimpalak na inilunsad ng munisipyo, isang estratehiya upang mapalakas ang partisipasyon ng mga partner-beneficiaries. Inaasahan ding magkakaroon pa ng isa pang patimpalak sa mga susunod na buwan, na nakatuon naman sa mga aanihing gulay.
Isang mahalagang paraan ang naturang gawain upang makita ang aktwal na kalagayan ng mga proyekto batay sa mga ulat. Nakakatulong din ito upang makapagbigay ng angkop na rekomendasyon para sa mas matatag at pangmatagalang pagpapaunlad ng mga proyekto.
Ang Project LAWA at BINHI ay nakaayon sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magsulong ng mga sustenable at praktikal na solusyon bilang tugon sa patuloy na kakulangan sa tubig at pagkain, na lalong pinapalala ng mga phenomena ng El Niño at La Niña.