TINGNAN — Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tatlong lugar sa rehiyon ng MIMAROPA ang kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng mapanganib na antas ng init o “danger level” heat index ngayong Miyerkules,
Sa San Jose, Occidental Mindoro, umabot sa 44 degrees Celsius ang heat index — ang pinakamataas sa rehiyon sa araw na ito. Samantala, naitala rin ang 43°C sa Coron, Palawan at 42°C naman sa Puerto Princesa City.
Itinuturing ng PAGASA na nasa “danger level” ang heat index kapag pumapalo ito sa pagitan ng 42°C hanggang 51°C. Sa ganitong antas ng init, pinapayuhan ang publiko na maging maingat dahil posible itong magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at kahit heat stroke kung mananatiling matagal sa ilalim ng araw.
Patuloy ang paalala ng mga eksperto na umiwas muna sa labis na aktibidad sa labas, manatiling hydrated, at magsuot ng magaang damit upang maiwasan ang masamang epekto ng matinding init.