Oriental Mindoro — Pinamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, ang kauna-unahang Pilot Sustainability Evaluation ng Proyektong LAWA at BINHI sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay, Oriental Mindoro, na isinagawa noong Mayo 16 at 20, 2025.
Layunin ng ebalwasyon na suriin ang implementasyon at pagpapanatili ng mga samahang nabuo sa komunidad. Isinagawa ito ng Multi-Stakeholders Inspectorate Team (MSIT), katuwang ang DSWD Regional Office sa pamumuno ni Ms. Claire Panganiban.
Nakakuha ng Very Satisfactory rating ang Alimawan Magsasaka Mangingisda Association (AMMA) sa Bulalacao, habang Satisfactory naman ang mga grupo sa Mansalay.
Tumutukoy ang ebalwasyon sa mga dapat pagbutihin, nagbibigay ng rekomendasyon, at humihikayat ng mas matibay na suporta mula sa lokal na pamahalaan para sa tagumpay ng proyekto.
Bahagi ang Proyektong LAWA at BINHI ng patuloy na layunin ng DSWD na itaguyod ang likas-kayang kabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran sa buong rehiyon ng MIMAROPA.